Manalangin kayong tulad nito…

0

Ang panalangin ay isang tapat at patuloy na pakikipag-usap sa Diyos.

Sinabi sa atin ni Jesus na alam ng Diyos kung ano ang kailangan natin (Mateo 6:8), ngunit gusto pa rin Niyang lumapit tayo at sabihin sa Kanya kung ano ang nasa isip natin. Siya ay isang mabuting Ama na nagmamalasakit sa atin (Mateo 7:11). Nais Niyang mangusap sa ating mga kalagayan, aliwin ang ating mga puso, at hubugin ang ating mga pananaw.

Gustung-gusto Niyang magbigay ng magagandang handog sa Kanyang mga anak—mga handog na gusto nila, hinahanap-hanap, at hinihiling. Ngunit minsan, hindi talaga maganda para sa atin ang gusto natin.

Nang sabihin ni Jesus sa Mateo 7:8, "humingi kayo, at kayo'y bibigyan," hindi Niya sinasabi na makukuha natin ang lahat ng ating hihilingin.

Ang Diyos ay hindi maaaring—at hindi—magbibigay sa atin ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang katangian. Ibibigay lamang ng Diyos sa atin kung ano ang mabuti, at kung minsan ang isang "hindi" mula sa Diyos ay ang tugon na talagang kailangan natin. Ngunit nais pa rin Niyang dalhin natin sa Kanya ang lahat ng ating mga hangarin, at kung hihingi tayo ng anumang bagay na naaayon sa Kanyang kalooban, dinirinig Niya tayo. ( 1 Juan 5:14)

Kaya paano natin matutuklasan ang kalooban ng Diyos?

Gumugol tayo ng oras kasama Siya.

Habang mas nakikilala natin ang Diyos, mas mauunawaan natin ang Kanyang katangian. At kapag naunawaan natin ang Kanyang katangian ay hihingi tayo ng mga bagay na naaayon sa Kanyang kalooban.

Ang mga salita ni Jesus sa Mateo 7 ay isang pangako na kapag humingi tayo sa Diyos, ibibigay Niya sa atin ang Kanyang sarili. Kapag may pagpakumbaba nating hinahanap ang Diyos, matatagpuan Niya tayo. At kapag lumalapit tayo sa Kanya kung ano tayo, tinatanggap Niya tayo nang bukas ang mga bisig.

Kapag lumalapit tayo sa Diyos, lalapit Siya sa atin. At kapag Siya ay lumalapit, binabago Niya ang paraan ng ating pag-iisip, binabago ang ating isipan, pinanunumbalik ang ating mga kaluluwa, at inaakay tayo sa mga landas na para sa ating ikabubuti at sa Kanyang kaluwalhatian.


Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top