✨ Devotional: "Huwag Maghabol sa Huli"

0


Kanina sa jeep, sumiksik ako kahit puno na. Late na kasi ako. Nakakahiya, pero kailangan. Habang nakaupo sa sikip, napaisip ako—bakit ba lagi akong naghahabol? Bakit hindi ko ayusin ang sarili ko habang may oras pa?


Naalala ko ang sampung dalagang naghihintay sa kasal. Yung lima, prepared. Yung lima, nahuli at naiwan. Ayoko ring mahuli at maiwan—lalo na sa pagbabalik ni Jesus.

 

“Therefore keep watch, because you do not know the day or the hour.”
Matthew 25:13


Hindi lang ito tungkol sa maagang paggising. Ito'y tungkol sa maagang paghahanda ng puso, pananampalataya, at buhay. Huwag nating hintayin na siksikan ang pagkakataon bago tayo maghanda. Ngayon na ang panahon.


Prayer:

Lord, ayoko pong mahuli o makalimot. Turuan N’yo po akong mamuhay na laging handa—para sa araw na babalik Kayo. Bigyan Mo ako ng disiplina, pananampalataya, at apoy na laging nag-aabang sa Inyo. Amen. 

Tags

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top